-Ian (Oliver James) What A Girl Wants
(Source: imjustincredible)
Nitong Christmas break ilang beses din kaming nagkita kita ng mga highschool friends ko kaya di namin pinalampas na hindi kami makapaglaro ng favorite card game namin poker. Actually, highschool pa lang naglalaro na kami nito. nagsimula sa Facebook game hanggang naging totohanan with pera talaga at take note, sa loob pa ng school. Lalo na kapag break time, patago kaming naglalaro. Ito yung dahilan kung bakit nabaon sa utang yung iba kong kaibigan. Ewan ko ba hindi kasi nila makuha yung laro namin eh diskarte lang naman yan at swertehan. basta ipakita mo lang poker face mo wala kang magiging problema.
Hindi ako magtataka kung balang-araw maging laman kami ng mga casino dito. hindi joke lang. siyempre maliitan lang saka katuwaan lang naman yung sa amin. di kagaya ng WPT.
Every year meron kaming family reunion na ginagawa dito sa bahay namin. kadalasan may mga bagong mukha akong nakikita na hindi ko alam na kamag-anak ko pala sila. Every year nababawasan din kami :( pero isa lang talaga ang napansin ko sa mga past reunions namin. Kahit na pahirap na ng pahirap ang buhay dito sa Pilipinas tuloy pa din ang party namin rain or shine. The best talaga ang pinoy pag dating sa mga kasiyahan.
Sa ganitong panahon sunod-sunod ang handaan. araw-araw lagi akong kain ng kain pero bakit ganon? parang tiyan ko lang lumalaki? huhuhu
Nag-simula na kagabi ang isa sa mga nakasanayang gawin ng mga pinoy tuwing magopapasko, ang simbang gabi. Sabi nila kapag nakumpleto mo daw yung simbang gabi (9 days) matutupad daw yung wish mo.
Tuwing magsisimba kami ibat-ibang klase ng mga tao din ang napapansin ko narito ang ilan sa kanila.
- Simbang Landi 1 - yung mga magsyota na parang nagpunta sa simbahan para lang magyakapan at maglandian. parang ginawa lang dahilan ang simbang gabi para makapag date.
- Simbang Landi 2 - ito naman yung mga tao na nagsimba lang para maghanap ng magiging syota nila para hindi maging SMP.
- Simbang Chismis - kadalasan grupo ‘to. mga magkakaibigan na parang walang ginawa kundi magchismisan lang at wala man lang balak na makinig sa misa.
- SNTM - yung mga taong nagpunta lang doon para rumampa at ipakita ang mga suot at pormahan nila. SNTM (Simbahan’s Next Top Model)
- The Reunion - yung mga taong ginawang venue ng reunion nila ang simbahan.
- Ang mga nakakaasar na bata - walang ginawa kundi maglaro with matching sigaw pa para hindi mo marinig ang sermon. ginawang playground ang simbahan at ‘di man lang sawayin ng mga kasama nila.
- Nagsisimba talaga - yung mga tao na mataimtim na nakikinig sa misa ng pari at yung mga naging panata na ang pagsisimbang gabi.
Ayan! Ilan lang yan sa mga napapansin kong mga tao sa simbahan tuwing nagsisimbang gabi kami. Marami pang iba pero nakakatamad na silang isa isahin. Ikaw alin ka diyan sa mga yan?